February 13, 2026

Home SPORTS

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng  ₱690M!
Photo courtesy: via NBA

Sinupalpal ng 25-game suspension si Philadelphia 76ers Forward Paul George bunsod umano ng paglabag niya sa anti-drug program ng NBA.

Ayon sa mga ulat, aminado si George na mayroon umano siyang substance na ginamit na klarong labag sa rules ng NBA, para sa kaniyang mental health condition.

"Over the past few years, I've discussed the importance of mental health, and in the course of recently seeking treatment for an issue of my own, I made the mistake of taking an improper medication" pag-amin ni George sa panayam sa kaniya ng isang international sports program.

Bagama't hindi nilinaw ng NBA kung anong uri ng substance ang ginamit ng nasabing basketbolista, pinatawan nila ito ng 25-game suspension kung saan sa Marso pa inaasahang makakabalik ito sa hard court.

Biathlon Olympian, binuking panloloko niya sa jowa niya sa post-game interview

Samantala, tinatayang nasa $11.7m o katumbas ng ₱688.7M ang makakaltas sa sahod ni George na may kabuuang $51.7M. Bunsod nito, aabot sa $469,692 ang makakaltas kay George sa kada laban na hindi siya makakalaro.

Inaasahang sa Marso 25 makakabalik si George kung saan makakaharap ng kaniyang koponan ang Chicago Bulls.