France Tennis French Open Nadal's 10 Finals

PARIS (AP) — Mula sa dalawang taong pagka-sidelined, tiniyak ni Rafael Nadal na pag-uusapan ang kanyang pagbabalik sa Roland Garros.

Laban sa isa sa pinakamahusay na clay court player at 2015 champion, tiniyak ni Nadal ang kanyang katayuan sa kasaysayan sa impresibong 6-2, 6-3, 6-1 panalo nitong Linggo (Lunes sa Manila) para sa ika-10 French Open title.

“It was difficult,” sambit ni Toni Nadal, coach at tiyuhin ng kampeon. “We were asking ourselves whether he would be able achieve this one more time.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

At sa isa pang pagkakataon, umalingawgaw ang hiyawang ‘Rafa, Rafa’ sa pinaka-prestihiyosong clay court tournament sa mundo.

“A perfect Roland Garros for me,” pahayag ni Nadal.

“La Decima (The Tenth) sa English.”

“I play my best at all events, but the feeling here is impossible to describe. It’s impossible to compare it to another place. The nerves, the adrenaline, I feel on the court are impossible to compare to another feeling. This is the most important event in my career,” pahayag ni Nadal.

Kahanga-hanga ang kampanya ng Spaniard na hindi nabigo sa bawat set ng torneo at tumapos lamang ng 35 na laro – pinakamababa sa marka ng major tournament sa Open era.

Tanging si Nadal lamang ang player sa Open era na nakapagwagi ng 10 titulo sa iisang major event. Tangan niya ang kabuuang 15 Grand Slam title para pantayan si Pete Sapras sa ikalawang puwesto sa all-time sa likod ni Roger Federer na may 18 kampeonato.