KAPWA nakuha nina WBC International minimumweight champion Lito Dante ng Pilipinas at South African IBO mini-flyweight champion Simphiwe Khonco ang 105 pounds limitasyon sa kanilang dibisyon kaya tuloy ang kanilang kampeonato ngayon sa Emperor’s Palace, Kempton Park, Gauteng, South Africa.

Nangako ang tubong Bohol at 27-anyos na si Dante na tatangkain niyang iuwi ang IBO title upang maging ikalimang kampeong pandaigdig ng Pilipinas matapos sina WBO welterweight champion Manny Pacquiao, IBF super flyweight titlist Jerwin Ancajas, WBO flyweight ruler Donnie Nietes at IBF light flyweight beltholder Milan Melindo.

Nakalistang No. 13 si Dante sa WBC rankings samantalang si Khonco ay nakatalang No. 3 sa WBA, No. 10 sa WBA at No. 13 sa IBF kaya tiyak na magiging pukpukan ang kanilang sagupaan.

Hindi bagito si Dante sa paglaban sa South Africa dahil natalo siya sa puntos kay WBA No. 15 Siyabonga Siyo noong 2015 sa Orient Theatre, East London, Eastern Cape sa nasabing bansa.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Nakuha naman ni Khonco ang bakanteng IBO minimumweight title nang talunin sa puntos si Siyo noong nakaraang taon sa Emperor’s Palace rin.

May rekord si Khonco na 17-5-0 win-loss-draw na may 7 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Dante na may kartadang 13-7-4 na may 7 pagwawagi sa knockouts. (Gilbert Espeña)