Warriors, nabalahaw sa koronasyon; Cavs, umukit ng marka.
CLEVELAND (AP) — Walang naganap na pagdiriwang sa Golden State. At babalik ang Warriors sa Oracle Arena na may sugat sa dangal at ala-ala ang bangungot nang nakalipas na season.
Naunsiyami ang target na 16-0 sweep ng Warriors at nabigyan ng buhay ang sisinghap-singhap na kampanya ng Cavs sa NBA Finals nang maghasik nang kilabot tungo sa markadong 137-116 panalo sa Game 4 nitong Biyernes (Sabado sa Manila).
“We have championship DNA,” pahayag ni James, nilagpasan ang marka ni Magic Johnson sa pinakamaraming triple-double (9) sa Finals.
“We showed that tonight. We just kept our composure. We shared the ball, we moved the ball and defensively we were physical. It’s one game.”
Magbabalik si James at Cavs sa Bay Area para sa Game 5 sa Lunes (Martes sa Manila) sa mistulang ‘de javu’ ng nakalipas na taon. Naghahabol din ang Cavs sa 1-3 nang mag-host ang Warriors ng Game 5 tungo sa nakasaysayang pagbangon para sa kauna-unahang kampeonato ng Cleveland.
Sa kabila ng usapin na walang koponan sa NBA na nakabangon mula sa 0-3 paghahabol, kumpiyansa si James na magagawa nilang baguhin ang kasaysayan.
“Our mindset is to go out there and get one,” sambit ni James, kumubra ng 31 puntos, 10 rebound at 11 assist.
Naitala ng Cavs ang Finals record 86 puntos sa first half.
“Believeland is not going to give up,” pahayag ni Cavs coach Tyronn Lue said, “and we’re going to keep fighting.
We’re going to keep scrapping.”
Nanguna si Kevin Durant, nagtatangka sa kanyang unang NBA title, sa naiskor na 35 puntos para sa Warriors, ngunit hindi siya natulungan sa pagkakataong ito ni Stephen Curry, na nalimitahan sa 14 puntos mula sa 4-of-13 shooting.
“That first quarter, they came out and hit us with that amazing punch,” sambit ni Durant.”You got to give them credit, they played extremely well tonight.”
Naitala rin ng Cavs ang Finals record na 24 three-pointer, tampok ang anim mula kay Kevin Love para sa 23 puntos at lima kay J.R. Smith.