Nagbanta si Speaker Pantaleon Alvarez na posibleng magkakaroon ng constitutional crisis kapag pinayagan ng Supreme Court ang mga petisyon na atasan ang Kongreso na talakayin ang deklarasyon ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

“Balikan muna nila (petitioners) ang law books. How can the Supreme Court dictate Congress what to do? Co-equal body yan. O, mag-issue ng direktiba ang Supreme Court telling Congress, dictating Congress na mag- convene kayo ng joint session, punitin ko yan,” ani Alvarez.

Ayon sa Speaker, lumilikha ang mga petitioner ng situwasyon na maaaring magresulta sa banggaan ng SC at ng Kongreso.

“Eh talagang magkakaroon ng constitutional crisis. At hindi namin kasalanan yun,” sabi ni Alvarez, isa sa mga respondent sa petisyon.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Binalewala ni Senador Francis Escudero ang mga banta ni Alvarez na susuwayin ang SC.

“For me, that is simply sabre rattling and is expected of every branch in a Republican system,” ani Escudero sa kanyang text sa mga mamamahayag.

Ngunit sa huli, ayon kay Escudero, ang SC pa rin ang final arbiter pagdating sa interpretasyon ng Constitution, at dapat itong sundin. (Bert De Guzman at Hannah L. Torregoza)