Untitled-1 copy copy

Warriors, ibinaon ang Cavs sa 3-0; asam tanghaling ‘GOAT’.

CLEVELAND (AP) — Mas malupit si LeBron James at ang Cleveland Cavaliers kumpara sa kanilang porma sa unang dalawang laro ng Finals.

Ngunit, hindi sapat ang magiting na pakikidigma ng Cavs para lupigin ang koponan na ipinapalagay na pinakamatikas sa kasaysayan ng NBA.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Tuluyang nabaon ang Cavaliers sa 3-0 paghahabol nang itarak ng Golden State Warriors ang come-from-behind 118-113 panalo nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa Game 3.

Matapos madurog sa unang dalawang laro ng serye sa Oracle Arena, ratsada ang Cavaliers sa matibay na hataw sa third period at nakabante nang anim na puntos tungo sa huling tatlong minuto.

Subalit, nakabalikwas ang Warriors sa itinarak na 11-0 run, tampok ang three-pointer ni Durant para agawin ang bentahe at ang panalo tungosa dominanteng 3-0 sa serye. Wala pang koponan sa kasaysayan ng NBA na nakabangon sa 0-3 pagkakabaon.

Huling dasal para sa Cavaliers ang Game 4 sa Biyernes (Sabado sa Manila) sa asam na mahila pa ang serye at pigilan ang Warriors na mabawi ang korona at tanghaling unang koponan sa anumang major league sa mundo na nagkampeon na walang talo.

Naitala ng Warriors ang ika-15 sunod na panalo sa postseason – pinakamahabang streak sa kasaysayan ng major pro league. Sa Game 2, nalagpasan nila ang record (13-0) ng pamosong ‘Showtime Lakers’ noong 1988-89.

At sa natamong panalo, nabura rin ng Golden State ang 14-0 marka ng Pittsburgh Penguins sa 1992-93 Stanley Cup playoffs, ayon sa impormasyon ng Elias.

Umiskor si Stephen Curry sa layup para sa kabuuang 26 puntos at mula sa magkakasunod na minstin nina James at Kyrie Irving, isinalpak ni Durant ang three-pointer may 45.3 segundo sa laro para maagaw ang bentahe.

“All I was looking at was the bottom of the net,” pahayag ni Durant. “I’ve been working on that shot my whole life.

To see that go in, that was liberating, man. We’ve got one more to go.”

Sa sumunod na opensa, sumablay ang three-pointer ni Irving at nasundutan ni Andre Iguodala si James kasunod ang apat na free throw sa huling 12.9 segundo ng laro.

Nanguna si James sa nakubrang 39 puntos, 11 rebound at siyam na assist, habang kumana si Irving ng 38 puntos at nag-ambag si J.R. Smith ng 16 puntos at umiskor si Kevin Love ng siyam na puntos at 13 rebound.

Nagsalansan si Klay Thompson, malamig sa unang dalawang laro, ng 30 puntos, tampok ang limang three-pointer.

Nagdesisyon si Cleveland coach Tyronn Lue na panatilihin ang starting line-up at diskarte ng Cavs na aniya’y mas magagapi mula sa mabilisang laro.

“We want to play fast; we don’t want to play in a hurry,” pahayag ni Lue. We want to get good shots. We don’t want to take the long 3s and things like that.”