Kris-Bernal-copy

PINAGPIPISTAHAN na naman ng bashers si Kris Bernal dahil sa picture niyang ito na ipinost sa Instagram. Ganoon pa rin ang comment ng bashers, sobrang payat daw si Kris, na kumain ito ng marami, at higit sa lahat ay itigil ang pagwu-workout.

If I know, inggit lang ang bashers na kahit maliit si Kris, may abs at toned ang body. Tama ang sinabi ng isang follower ng aktres, gusto rin pumayat ang mga bitter na paulit-ulit ang comment na mukha nang kalansay sa kapayatan ang dalaga.

May nag-comment naman kung paano tinalikuran ni Kris ang masasarap na pagkain.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ang alam namin, lahat ay kinakain ni Kris, kaya lang bumabawi siya sa workout, kaya agad nalulusaw ang taba sa kinain. Saka 105 lbs. si Kris na tama lang sa height niyang 5’1”.

Lalo pang magsisipag mag-gym si Kris dahil na-inspire kay Wonder Woman. Post niya: “Wonder Woman, you made me hit the gym today! I wish I had her body built with big bones and long legs! As much as I wanna portray roles like an amazon or a superhero, No! My frame won’t allow me! BUT we can all be STRONG whether we’re too big or too small! It takes time, persistence, and consistency! Remember, we all have that STRENGHT!”

Anyway, sa June 19 na ang pilot ng Impostora na pinagbibidahan ni Kris kasama sina Rafael Rosell, Ryan Eigenmann, Vaness del Moral at marami pang iba, mula sa direksiyon ni Albert Langitan.

Ito na ang pinakamahirap sa mga teleseryeng pinagbidahan ni Kris dahil dual role siya at may prosthetics pa na dusang ilagay at alisin.