dennis copy copy

SI Dennis Padilla ang bagong karagdagang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Nag-oath-taking na ang aktor kasama ang iba pang bagong members ng MTRCB sa Malacañang Palace. Ipinost ni Dennis sa Instagram nitong Biyernes ang kanyang picture bago manumpa at nilagyan ng caption na, “Salamat sa tiwala Mr. President Du30.”

Si Dennis yata ang pumalit kay Mocha Uson na umali sa MTRCB dahil inilipat sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Marami ang nag-congratulate kay Dennis sa IG sa ibinigay na position sa kanya ni Pangulong Duterte, pero sa isang blog, may mga hindi pumabor sa kanyang appointment.

Para fair kay Dennis, bigyan natin siya ng chance to do his job at kung pumalpak, saka na siya punahin.

(NITZ MIRALLES)