DAGUPAN CITY – Kabilang ang 14-anyos na pambato ng Dagupan City sa five-man Philippine Team na sasabak sa World Wind Surfing Competition sa Hunyo 10-14 sa Vietnam.
Napabilang ang Grade 9 student na si Joaquin Manuel Reyna Gimenez, anak ni Atty. Cecilia Gimenez at apo dating Dagupan City Councilor Liberato Reyna Jr.
Sasabak ang Philippine Team sa senior at junior division ng torneo na lalahukan ng pinakamahuhusay na surfer sa mundo.
Napasama si Gimenez sa Philippine Wind Surfing Association nang magwagi sa ilag local competition kabilang ang runner-up finish sa National Championship. (PNA)