SA unang sigwa ng kampanya ng Gilas Pilipinas, giyera na ang naghihintay sa Pinoy cagers matapos mabunot sa kasama ng champion China in Group B para sa 2017 Fiba Asia Cup.

Sa isinagawang draw ceremony sa Beirut, Lebanon, nabunot din para makalaban ng Gilas at China ang Middle East heavyweight Qatar at Iraq para sa unang yugto ng qualifying na nakatakda sa Agosto 8-20.

Sa 2015 Fiba Asia Championhip sa Changsa, China, nagtuos sa championship match ang China at Gilas na pinagwagihan ng Mainland, 78-67.

Sasabak naman ang powerhouse Australia sa unang pagkakataon sa Fiba Asia sa Group D kasama ang East Asian nations Japan, Hong Kong, at Chinese Taipei.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Napabilang naman ang New Zealand, isa pang Oceania country, sa Group C kasama ang Kazakhstan, Korea, at Lebanon.

Magkakasama naman sa Group A ang 2013 champion Iran, Jordan, Syria, at India.

Batay sa format, ang mangungunang tatlong koponan sa bawat grupo matapos ang elimination ay uusad sa second phase kung saan igu-grupo sila sa E at F.

Gagamitin ang knockout simula sa quarterfinals. (Marivic Awitan)