LA PAZ, Tarlac – Sa loob ng dalawang araw, apat na beses na hinalay ng isang 44-anyos na lalaki ang isang walong taong gulang na babae sa loob ng isang bahay kubo sa Barangay Motrico sa La Paz, Tarlac.

Sa tinanggap na ulat ng Women’s and Children’s Protection Desk ng La Paz Police, pinaghahanap na ang suspek na si Joven Mangilit, ng Aquino Subdivision, Bgy. Sto. Cristo, Tarlac City.

Nabatid na Lunes nang nagtungo si Mangilit sa bahay ng bata sa Bgy. Matatalaib, Tarlac City, at niyaya ito sa kanyang bahay sa Sitio Suba sa Bgy. Matatalaib.

Gayunman, sa isang bahay kubo sa La Paz dinala ng suspek ang paslit at doon umano apat na beses na hinalay sa loob ng dalawang araw.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kahapon, isinakay ng suspek ang bata sa motorsiklo at iniwan sa isang gasolinahan sa Bgy. Maliwalo sa Tarlac City bago tumakas. (Leandro Alborote)