Lagda na lamang ni Pangulong Duterte ang kailangan upang maging ganap na batas ang Universal Access to Tertiary Education Act of 2017, na pumasa kamakailan sa bicameral committee ng Kongreso.

Ayon kay Albay Rep. Joey S. Salceda, pangunahing awtor ng House Bill 2771, simula sa second semester ng school year 2017-2018 ay hindi na magbabayad ng tuition at miscellaneous fees ang mga estudyante sa lahat ng state universities and colleges (SUCs), local community colleges, at vocational schools sa ilalim ng Technical Educational and Skills Development Authority (TESDA).

Bumotong pabor ang lahat ng kongresista sa pinagsamang HB 2771 ni Salceda at mga panukala nina Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio at Kabataan Party-list Rep. Sarah Jane Elago bago ito isinama sa bersiyon ng Senado na inaprubahan ng bicameral committee.

Pangunahing may akda ng bersiyon ng panukala sa Senado, inaasahan din ni Sen. Bam Aquino na malilibre na ang matrikula at iba pang bayarin ng mga estudyante sa SUCs sa ikalawang semester ng school year na ito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Napag-usapan sa bicam na it will be effective second semester ng school year 2017-2018 because by the time na ma-publish ito at maging batas, baka tapos na ang enrollment ng first semester,” ani Aquino.

Alinsunod sa panukala, may nakalaan din na student loan para sa mga nasa pribadong kolehiyo at pamantasan.

(PNA at Leonel Abasola)