Warriors vs Cleveland: Itaya ang pamato’t panabla.

OAKLAND, California (AP) – Mataas ang taya sa Golden State Warriors at kung pagbabasehan ang kasalukuyang takbo sa Vegas bookies dehado sa pustahan ang Cleveland Cavaliers.

Maaaring may nakikitang bentahe ang mananaya sa Warriors, ngunit sa papel, tunay na hindi pahuhuli ang Cavaliers sa best-of-seven NBA championship na magsisimula sa Hunyo 1 (Hunyo 2 sa Manila) sa Oracle Center – ang tahanan ng Warriors.

Nakopo ng Warriors ang home court advantage bunsod ng pagiging Numero Uno sa regular-season. Sa postseason, tangan nila ang imakuladang 12-0 marka.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Para masuri ng tagahanga, narito ang matchup ng Warriors at Cavs sa position ng mga players:

CENTER: Zaza Pachulia vs. Tristan Thompson. Balik-aksiyon si Pachulia matapos ma-sideline nang dalawang laro sa conference finals laban sa San Antonio Spurs bunsod ng injury sa bukong-bukong. Mapapalban siya sa mas mabilis na si Thompson, na may averaged double-double.

Nakalalamang: Cavaliers.

POWER FORWARD: Draymond Green vs. Kevin Love. Sa pagsisimula pa lamang ng season, tahasan na ang naging pahayag ni Green sa pagnanais na muling makaharap ang Cavaliers sa Finals. Bukod sa pagiging all-around player, matindi ang presensiya ni Green sa depensa. Tangan niya ang 47 porsiyento sa three-point shot, malaking dagdag para sa koponan na siksik sa mga shooters. Naitala naman ni Love ang averaged 22.6 puntos at 12.4 rebound laban sa Boston sa conference finals.

Nakalalamang: Warriors

SMALL FORWARD: Kevin Durant vs. LeBron James. Hindi matatawaran ang performance ni Durant sa kanyang unang postseason bilang Warrior, tangan ang averaged 25.2 puntos mula sa 55.6 percent shooting. Hindi naman pahuhuli si James na may 32.5 puntos sa 57 percent shooting, bukod sa 8.0 rebound at 7.0 assist per game. Nakopo ni James ang unang NBA title may limang taon na ang nakalilipas nang gapiin ng Miami Heat ang Oklahoma City Thunder.

Nakalalamang: Cavaliers

SHOOTING GUARD: Klay Thompson vs. J.R. Smith. Malamya ang postseason shooting ni Thompson sa 38 percent sa field, ngunit bumawi siya sa depensa na kinakailangan para pigilan si Kyrie Irving. Mababa naman ang minuto ni Smith na may kabuuang 30 minuto ngayong postseason.

Nakalalamang: Warriors

POINT GUARD: Stephen Curry vs. Kyrie Irving. Bumida si Irving sa Game 5 na nagpaningas sa matikas na pagbalikwas ng Cleveland, higit ang three-pointer sa Game 7 sa nakalipas na season. Nitong Pasko, sinaktan niya ang Warriors para sa unang pagtatagpo sa regular season. Impresibo ang kanyang numero sa conference finals laban sa Boston tangan ang 62 percent shooting. May averaged 28.6 puntos si Curry sa playoffs at tunay na ibang level ang kanyang performance kumpara sa nakalipas na taon.

Nakalalamang: Warriors

RESERVES: Andre Iguodala, Shawn Livingston, JaVale McGee, Ian Clark, David West, and Patrick McCaw vs. Channing Frye, Iman Shumpert, Kyle Korver, Deron Williams and Richard Jefferson. Nananatiling ‘threat’ si Iguodala, ang 2015 NBA Finals MVP, habang naitala nina McGee (74 percent), Livingston (61), West (57) at Clark (52) ang impresibong opensa.

Nakalalamang: Warriors

COACHES: Steve Kerr o Mike Brown vs. Tyronn Lue. Walang tulak-kabigin. Target ni Lue na maitala ang kasaysayan bilang unang coach sa NBA na nagwagi ng back-toback title sa kanyang ikalawang season.

Nakalalamang: Patas