BEIJING (AP) — Sinuspinde ng Chinese Table Tennis Association bilang coach ng National Team ang maalamat na si Kong Linghui bunsod nang kasong isinampa laban sa kanya dahil sa naiwang utang sa casino.

Isa sa tinitingala sa table tennis – pinakasikat na sports sa China – ang 41-anyos na si Kong ay nagkampeon sa Olympics noong 1996 at 2000.

Ang kaso ay isinampa ng five-star Marina Bay Sands bunsod umano ng kabiguan ni Kong na bayaran ang kabuuang US$721,000 na pagkakautang sa casino.

Sa kanyang pahayag sa social network Weibo microblogging service, inamin niyang bumisita siya sa naturang Casino kasama ang mga kamag-anak para maglibang, ngunit itinagging magisa lamang siyang nagsugal.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“After the media brought to light this case today I immediately called some friends and relatives who were there at that time asking them what’s happening and I learned someone has debt related to the dispute with the casino,” pahayag ni Kong.

“I immediately asked the person who owed money to make a clarification.”

Ngunit, iginiit ng table tennis official na ang pahayag ni Kong ay isang pagamin ng pagpunta sa Casino na isa sa ipinagbabawal ng asosasyon.