Napakamot na lang sa kani-kanilang ulo ang mga jail guard ng piitan sa bayan ng Naujan sa Oriental Mindoro makaraan silang matakasan ng apat na bilanggo, kabilang ang dalawang drug suspect, kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Chief Supt. Wilben Mayor, director ng Police Regional Office (PRO)-4B MIMAROPA (Mindoro Oriental at
Occidental, Marinduque, Romblon at Palawan), nagpakalat na siya ng mga pulis upang tugisin ang apat na pugante.
Kinilala ni Mayor ang mga tumakas na sina Remegio Orfecio, akusado sa paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Children); Toribio Mercado, may kasong rape; at ang drug suspects na sina Marvin Montemayor at Marlon Genabe.
Sinabi ni Mayor na bandang 2:30 ng umaga kahapon nang nadiskubre ng guard on-duty na nakabukas ang Cell 1 sa piitan ng Naujan.
“It was also discovered that the metal bar of Cell 2 was also damaged. The four prisoners were already missing during that time,” sabi ni Mayor. (Aaron Recuenco)