MAGBABALIK sa unang pagkakataon pagkaraan ng 13 taon sa lansangan ng bansang Japan ang mga siklistang Pinoy sa gagawing paglahok ng nag -iisang continental team ng bansa sa idaraos na Tour de Kumaru.

Nakatakdang umalis patungong Japan ang 6-kataong miyembro ng 7-Eleven Roadbike Philippines upang lumahok sa UCI classified 2.2 race mula Hunyo 1-6.

Muling masusubok ang galing at tibay ng mga siklistang Pinoy na kinabibilangan nina Marcelo Felipe, Dominic Perez, Nelson Martin at Rustom Lim kasama ang dalawang dayuhang riders ng koponan na sina Edgar Nieto ng Spain at Jesse Ewart ng Australia kontra sa mga batikang mga siklista mula Asia at Europa.

Ilan sa mga UCI tour campaigners na makakasagupa ng mga Pinoy sa naturang karera sa Japan ay ang Tabriz Petrochemical Team ng Iran, L-X ng South Korea, Team Gusto ng Slovenia at St. George ng Australia.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Huling nakasali sa isang UCI race sa Japan ang mga Pinoy riders noong 2004 sa pamamagitan ng Pagcor Trade Team.

(Marivic Awitan)