Ikinataranta ng mga pedestrian ang inabandonang “kahina-hinalang” garbage bag sa harap ng gusali ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Makati City kahapon, iniulat ng Southern Police District (SPD).

Ayon kay SPD director Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., nasilayan ng mga security guard ng DTI ang garbage bag sa kahabaan ng Gil Puyat Avenue, Barangay Bel-Air, bandang 10:00 ng umaga.

Pinaghinalaan ng mga guwardiya ang garbage bag dahil ito ay iniwan sa tapat mismo ng establisyemento kaya agad nilang iniulat sa pulisya.

Siniyasat ng mga tauhan ng Makati-Explosive Ordnance Division (EOD) ang kahina-hinalang bag at walang natagpuang pampasabog. Sa halip, ito ay kinapapalooban ng mga gamit na computer ink, ayon kay Apolinario.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni Apolinario na posibleng nakalimutan ng may-ari na itapon sa basurahan ang garbage bag.

Sinusuri na ng awtoridad ang closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar upang makilala ang may-ari ng garbage bag. (Martin A. Sadongdong)