STA. ROSA, Nueva Ecija - Arestado ang isang 31-anyos na security guard sa inilatag ng mga operatiba ng Drug Enforcement Intelligence Operations (DEIU) na buy-bust operation sa Barangay Soledad sa Sta. Rosa, Nueva Ecija, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ng Sta. Rosa Police ang suspek na si Jay-Ar Sarniento y Pestano, ng Bgy. San Mariano, matapos magbenta ng isang heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu sa poseur buyer.

Dakong 3:00 ng hapon nang masakote ang sekyu na nahulihan ng ilan pang sachet ng droga, at nakuhanan din ng marked money. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog