Inihayag kahapon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na sinibak na nito sa puwesto ang 32 jail guard ng Iloilo.

Ayon sa report na tinanggap ni Jail Director Serafin Petronio Barretto Jr. mula kay Jail Supt. Gilbert Piremne, assistant regional director ng BJMP-Region 6, sinibak ang 32 tauhan ng Iloilo District Jail sa Barangay Nanga sa Pototan, Iloilo.

Sinabi ni Piremne, ang pagsibak sa 32 jail guard ay may kinalaman sa sinasabing talamak na bentahan ng ilegal na droga sa nasabing piitan.

Bukod sa mga jail guard, inirekomenda rin ng BJMP-Region 6 sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang pag-relieve sa jail warden na si Jail Senior Insp. Abner Zamora. (Fer Taboy)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?