BUKAS na ang pagpapatala para sa paglahok sa Manila Bay Clean-Up Run, sa pagtataguyod ng Manila Broadcasting Company, na nakatakda sa Hulyo 23.
Inaanyayahan ang lahat ng running enthusiast, running club at eskwelahan na makilahok sa patakbo sa 3K, 5K, 10K, at 21K class. May naghihintay na medalya at premyo sa mga magwawagi at top finisher.
Tumatanggap ng paglahok sa MBC lobby sa Sotto St., CCP Complex, Pasay City. Simula naman sa Mayo 26 ay bukas na rin ang pagpaparehistro sa Olympic World Trinoma at Alabang Town Center, gayundin sa Olympic Village Market Market.
Ang fund-raising event ay isa lamang sa mga proyektong nakakapag-ambag ng pondong kailangan sa pagpapatupad ng programa sa paglilinis ng Manila Bay. Patuloy na tumutugon ang MBC at iba pang mga establisimiyento sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa panawagan ng Land Bank na maibsan ang polusyon at maalis ang mga basura sa Manila Bay, gayundin sa ilog, estero at mga daluyan ng tubig sa patungo sa karagatan.
Para sa karagdagang kaalaman hingil sa Manila Bay Clean Up Run, maaaring tawagan ang Runners Link sa mobile no. 0926-205-2787.