Untitled-1 copy copy

Cavs, bumira uli sa Celts; abante sa 3-1.

CLEVELAND (AP) — Isang panalo na lang para sa katuparan ng pinapangarap na Cavaliers-Warriors ‘NBA Trilogy’.

Nagsalansan si Kyrie Irving ng 42 puntos – sa kabila nang pananakit ng paa bunsod ng mild ‘sprained’ – habang kumubra si Lebron James ng 34 puntos para sandigan ang Cavs sa 112-99 panalo kontra Boston Celtics at kunin ang 3-1 bentahe sa Eastern Conference finals.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Gaganapin ang Game 5 sa Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Boston Garden.

“The kid is special,” pahayag ni James. “I was happy to sit back and watch him. He was born for these moments.”

Naghihintay sa kanila ang Warriors na umusad sa Finals nang walisin ang San Antonio Spurs sa West Conference series.

Tabla sa 1-1 ang head-to-head duel ng Warriors at Cavs sa nakalipas na dalawang season.

Nakihamok ang Celtics tulad sa Game 3 at nagawang makabante ng double digit sa third period, ngunit nagpakatatag ang Cavs sa krusyal na sandali para maagaw ang momentum tungo sa panalo.

“He saw Bron went out and he wanted to put the team on his shoulders,” pahayag ni Cavs coach Tyronn Lue patungkol sa pagka-bench ni James dahil sa foul trouble.

Ayon kay Irving, naging determinado siya dahil sa posibilidad na tuluyang mabitiwan ang tangan nila sa bentahe.

“In the back of my mind, I thought, ‘They can’t tie up the series,’” aniya. “We can’t go back to Boston tied 2-2. We needed everything tonight.”

Taliwas sa ipinamalas na depensa sa Game 3, dismayado si Celtics coach Brad Stevens sa katatagan ng koponan, dahilan para makaiskor si Irving.

“There’s choices,” sambit ni Stevens.

“I’m not sure there are good choices. When he gets going like that, he’s tough to stop. The ones we gotta look at are the ones he got at the rim.”

Nag-ambag si Kevin Love ng 17 puntos at 17 rebounds para sa Cavs.

Nanguna si Avery Bradley, bayani sa makapigil-hiningang panalo ng Boston sa Game 3, na may 19 puntos, habang tumipa si Crowder ng 18 puntos.