rhian-copy

SAYANG at wala sa presscon ng My Love From The Star si Rhian Ramos, hindi tuloy namin siya natanong tungkol sa sikat at mahusay na tattoo artist na si Apo Whang-Od.

Si Whang-Od ang dinadayong mambabatok o tattoo artist ng local at foreign tourists sa Buscalan, Tinglayan sa Kalinga.

Nanggaling doon si Rhian for her second tattoo at maganda sanang pag-usapan bukod sa My Love From The Star ang meeting niya with Whang-Od. Gusto ring malaman kung masakit mag-tattooo si Whang-Od na gumagamit ng mga tinik ng suha o pomelo at uling galing sa kusina.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

May kuwento si Rhian sa social media kung paano natuwa si Whang-Od sa pasalubong niyang photos na kuha noong una niyang pagpunta sa Buscalan. Best pasalubong din daw sa mga taga-Buscalan ang mga litrato.

“Special participation” ang introduction kay Rhian sa My Love From The Star, kaya siguro hindi na siya pinapunta sa presscon. Ginagampanan niya ang karakter ni Rachel, isa ring aktres gaya ni Steffi (Jennylyn Mercado) at may malaking papel sa buhay ni Steffi.

Sa May 29, ang pilot ng My Love From The Star at kung hindi kami nagkakamali, first time na nagkasama sa show sina Rhian at Jennylyn. Si Bb. Joyce Bernal ang director ng Pinoy version ng sikat na korenovela. (Nitz Miralles)