BAGO mag-ambisyon sa malaking laban kay eight-division world champion Manny Pacquiao, dapat munang ikonsidera ni Top Rank big boss Bob Arum na idepensa ng alaga niyang si unified super lightweight champion Terence Crawford ang mga titulo nito sa Pilipinong WBO. 1 contender Jason Pagara.

Napansin ng mga boxing analyst na halos tatlong taon nang No.1 contender ng WBO si Pagara ngunit walang ginagawa ang Games and Amusement Board (GAB) o ang vice president ng WBO sa Asya na may dugong Pilipino na si Leon Panoncillo na mabigyan ng pagkakataon si Pagara na hamunin si Crawford.

May kartada si Pagara na 40-2-0, may 25 panalo sa knockout at huling tinalo niya sa 1st round knockout si dating WBA lightweight champion Jose Alfaro ng Nicaragua sa Cebu Coliseum, Cebu City noong Nobyembre 26, 2016.

Nagwagi si Crawford sa kanyang huling depensa ng WBC at WBO light welterweight titles via 10th round TKO kay Felix Diaz Jr. ng Dominican Republic at kaagad hinamon si Pacquiao para sa WBO 147 pounds title

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I wanted to prove that I was the better southpaw,” sabi ni Crawford matapos talunin si Diaz at nakatuon ang paningin kay Pacquiao. “If not Keith Thurman, whoever lets go. Who knows it’s up to my promoter Bob Arum.

(Gilbert Espeña)