Napatay ang isang miyembro ng New People's Army (NPA) sa pakikipagbakbakan sa militar sa Oriental Mindoro kahapon.

Sinabi ni 1st Lt. Xy-Zon Meneses, tagapagsalita ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, na nangyari ang engkuwentro sa Sitio If-If sa Barangay Cambunang, Bulalacao, Oriental Mindoro bandang 5:30 ng umaga kahapon.

Ayon kay Meneses, matapos itimbre ng mga residente ay nakaengkuwentro ng tropa ng 4th Infantry Battalion ang nasa 10 rebelde na pinaniniwalaang kasapi ng Platoon Olip, KLG Roque.

Matapos ang limang minuto ng bakbakan, tumakas ang mga rebelde at iniwan ang napaslang nilang kasamahan, na hindi pa nakikilala.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Narekober din ng militar sa lugar ng labanan ang isang .9mm pistol, siyam na bala at dalawang magazine nito, isang granada, at sari-saring bala. (Francis T. Wakefield)