KALIBO, Aklan - Isang negosyanteng Chinese ang inaresto ng awtoridad sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong child abuse.
Kinilala ng Kalibo Police ang nadakip na si Lin Feng, manager ng Unitop General Merchandise sa Kalibo.
Base sa impormasyon ng Kalibo Regional Trial Court, na-trauma ang isang batang lalaki matapos umanong pagalitan at tadyakan ni Lin sa loob ng establisimyento ng huli.
Kinasuhan ng lola ng biktima ang suspek, na kaagad namang nagpiyansa ng P80,000. (Jun N. Aguirre)