Itinuturing na local volleyball superstar ng bansa at naging kinatawan ng Pilipinas sa iba’t ibang international tournament, isang pagpapala pa rin para kay Alyssa Valdez ang pagkakataong mapasama sa national pool na pagpipilian upang mapabilang sa national women’s volleyball team sa darating na SEAGames.
Nagawang makipag-ayos ni Valdez, na marami ang kumuwestiyon sa commitment para sa national squad, sa dati niyang high school mentor sa University of Santo Tomas at ngayo’y national coach na si Francis Vicente sa pagtawag dito matapos niyang hindi sumipot sa nakaraang Clash of Heroes.At matapos ang masinsinang pag-uusap, napasama si Valdez sa 18-man national pool na inihayag kamakailan ni Vicente.
“I feel very blessed, sa kabila ng maraming nangyari,” anang 2-15 SEAGames flag bearer para sa Pilipinas.
“But still we’re thankful na nasama rin tayo but its not the final lineup pa naman so we still have to do our responsibility for the national team,” ayon pa kay Valdez.
Inihayag din ni Valdez ang pagpapasalamat kay Vicente sa pang-unawa nito at sa pagtitiwala sa kanyang kagustuhang makapaglaro muli para sa bansa.
“I think ang napag-usapan lang namin ni coach Vince ay constant communication that is needed para mas maganda ang flow ng pag-organize ng lahat. I think that’s the key,” ani Valdez.
At bilang patunay ng kanyang taos pusong commitment, ibinigay pa ni Valdez ang kanyng “schedule” kay Vicente.
“I think both parties are trying to compromise para mas magkasama-sama ang lahat para makapag-prepare tayo sa SEA Games,” saad ng 3-time PVL at UAAP MVP awardee. - Marivic Awitan