Inanyayahan ni Pangulong Duterte si Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison na umuwi sa bansa dahil sakitin na ito.
Ayon sa Presidente, handa siyang bayaran ang pagpapaospital ng 78-anyos na nagtatag ng CPP mapanatili lamang ang kapayapaan sa bansa.
Hindi rin umano huhulihin si Sison, at inihayag din ng Pangulo na kahit ang mga rebelde ng New People’s Army (NPA) ay malaya rin na makalabas sa kanilang mga pinagtataguan basta walang dalang armas. (Beth Camia)