CAMILING, Tarlac - Isang supervisor ng malaking establsimyento ang nakapiit ngayon matapos niyang aminin umano ang pagnanakaw sa sariling pinapasukan sa Barangay Poblacion A sa Camiling, Tarlac.

Nadiskubre ng empleyadang si May Kathleen Fabros, 24, ng Bgy. Surgui 3rd, Camiling, ang pagnanakaw sa I Love Milk Tea store matapos niyang makumpirmang nawawala ang dalawang linggong kinita ng tindahan na aabot sa P43,700, at isang laptop computer na nagkakahalaga ng P10,000.

Inamin naman ni Alfred De Guzman, 29, supervisor ng establisyemento, na siya ang nasa likod ng pagnanakaw nitong Martes.

Gayunman, nasa P11,000 cash lang ang nabawi kay De Guzman, habang ang laptop ay narekober sa isang Ariane Macaraeg, nasa hustong gulang, ng Bgy. Cacamilingan Norte, Camiling, Tarlac. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito