LEE MIN HO copy

SIGURADONG mami-miss ng kanyang fans ang bida ng Legend of the Blue Sea na si Lee Min Ho na nagsimula nitong nakaraang Mayo 12 sa kanyang paglilingkod sa military ng South Korea.

Compulsary o mandated sa lahat ng lalaking South Koreans ng kanilang pamahalaan na magsilbi sa kanilang military, kaya pansamantalang mawawala si Lee Min Ho sa showbiz ng dalawang taon, bagamat wala namang problema sa Legend of the Blue Sea dahil canned series na ito o tapos nang i-taping at kasalukuyang umeere sa ABS-CBN..

Isang taon na magiging public service worker si Lee Min Ho dahil sa injuries na kanyang tinamo sa car accident noong 2006 at sa isa pang aksidente habang siya ay nagti-taping ng TV series na City Hunter noong 2011.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa susunod na taon pa sasailalim sa military training ang Korean superstar. (ADOR SALUTA)