ISANG liblib na isla sa Timog Pasipiko ang pinakamaruming lugar sa planeta.

Ito ay ayon sa resulta ng pananaliksik ng Australia na isinapubliko kahapon.

Natuklasan ng pag-aaral, na inilathala ng Institute for Marine and Antarctic Studies ng Tasmania, na ang dalampasigan ng Henderson Island, isang World Heritage site, ay may 37.7 milyong basura.

Sinabi ni Jennifer Lavers, ang nanguna sa pag-aaral, na ang kabuuan ng basura sa isla ay aabot sa 17.6 na tonelada, ang pinakamaraming basurang plastik saan man sa mundo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon sa kanya, ang natuklasan ng pag-aaral ay dapat na magsilbing babala na ang polusyong dulot ng plastik ay isang seryosong banta na tulad ng climate change.

“What’s happened on Henderson Island shows there’s no escaping plastic pollution even in the most distant parts of our oceans,” sabi ni Lavers.

“Far from being the pristine ‘deserted island’ that people might imagine of such a remote place, Henderson Island is a shocking but typical example of how plastic debris is affecting the environment on a global scale.”

Sa taya ng research team, may 671.6 items of debris kada metro kuwadrado sa Henderson Island, na matatagpuan sa pagitan ng Chile at New Zealand sa Timog Pasipiko, at may 3,570 bagong basura ang naaanod sa isang bahagi pa lamang ng dalampasigan ng isla kada araw.

Sinabi ni Lavers na karamihan sa 300 milyong tonelada ng plastik na nalilikha sa mundo bawat taon ay hindi nare-recycle at may pangmatagalang epekto sa mga dagat sa mundo.

“Plastic debris is an entanglement and ingestion hazard for many species, creates a physical barrier on beaches to animals such as sea turtles, and lowers the diversity of shoreline invertebrates,” sabi ni Lavers.

“Research has shown that more than 200 species are known to be at risk from eating plastic, and 55 percent of the world’s seabirds, including two species found on Henderson Island, are at risk from marine debris,” paliwanag pa ng mananaliksik mula sa Australia. (PNA)