CAMP MACABULOS, Tarlac City – Kapwa menor de edad ang nanloob sa bahay ng isang negosyante sa Purok Waling-Waling, Barangay Dolores sa Tarlac City, nitong Linggo ng gabi.

Nabatid sa police report na nag-outing ang pamilya ni Almor Espinosa, 33, negosyante, at pag-uwi ay natuklasan nilang natangayan sila ng mahigit P100,000 cash.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Raffy Calma, edad 15 at 16 ang mga suspek na kapwa taga-Bgy. Dolores, Tarlac City.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog