BOSTON (AP) — Sa kanyang kabataan, paulit-ulit na pinanonood ni Isaiah Thomas ang mga hinahagaang player sa do-or-die Game 7.

Ngayon, may pagkakataon ang Celtics All-Star na madama ang karanasan at mapasama sa mga ‘great players’ ng NBA sa pagsabak ng Boston laban sa Washingtong Wizards sa ‘sudden death’ nitong Lunes (Martes sa Manila) kung saan nakataya ang tiket para sa Eastern Conference Finals.

Inamin ni Thomas na hindi siya kampante sa sitwasyon, ngunit walang pressure sa kanyang laro.

"I don't believe in pressure," sambit ni Thomas. "I've worked too hard to be scared of any type of pressure."

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit, aminado siyang naagaw ng Wizards ang momentum matapos makalusot sa isang puntos sa Game Six ng kanilang Eastern Conference semifinals.

Tatangkain ng Wizards na maging unang koponan na makapanalo sa serye sa teritoryo ng karibal.

"A lot of guys doubted us winning (Game 6) at home," sambit ni Wizards point guard John Wall. “The last two years we were in the playoffs we lost Game 6 here and we just had a lot of heart."

Ang magwawagi sa sudden-death Game 7 sa Lunes (Martes sa Manila) ay makakakuha ng pagkakataon na harapin ang Cleveland Cavaliers sa Lunes.

Ito ang unang pagkakataon sa Washington na makalagpas sa second round mula noong 1979 kung saan nagawang patalsikin ng noo’y Bullets ang Spurs para makausad sa NBA Finals.

"Winning's hard. It's not for everybody," sambit ni Thomas, ayon umano sa mensahe sa kanya ni dating Boston star Paul Pierce.

"If it was easy it would be."