Ni NORA CALDERON

Alden at Maine
Alden at Maine
BABALIK ngayong Lunes sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Pelangi, ang lugar sa Dolores, Quezon na pinagsimulan ng love story nina Benjie at Sinag sa kanilang teleseryeng Destined To Be Yours sa GMA-7. 

Paboritong mag-location shooting doon ang cast and crew ng production under Direk Irene Villamor dahil malamig at fresh ang hangin, lalo na kapag umuulan. At kung may fans man na nakadadayo sa lugar, ilan lang iyon kaya mabilis silang nakapagtatrabaho, bagay na hindi nila magawa kapag ang location nila ay sa Metro Manila o maging sa Tagaytay, dahil dinadagsa talaga sila ng fans.  

Nahihirapan silang pagbawalan ang mga fans na kumuha ng mga eksena at i-post agad sa social media. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Marami ang nagtatanong kung ano ang mga eksenang kukunan sa Pelangi. Doon na ba magtatapos ang teleserye na ilang taping days na lamang ang natitira? Nakasisiguro kami na ito na iyong mga eksenang gustong mapanood ng AlDub Nation, tulad ng mga unang eksenang nagustuhan nila kina Benjie, Sinag, Ninay (Sheena Halili) at Badong (Juancho Trivino) at Nanay Sally (Janice de Belen) at Tatay Teddy (Gardo Versoza) sa Pelangi. 

Sa napapanood na story ngayon, humingi na ng tawad si Benjie sa lahat ng mga pagkakasala niyang nagawa kay Sinag at sa pamilya Obispo. Dahil mahal ni Sinag si Benjie, hindi na raw nito kailangang humingi ng tawad. 

Sa ginawa rin ni Benjie, na nag-sponsor sa exhibit ng sculptures ni Teddy, pinatawad na rin siya ng una. Sabi ni Sinag, dahil sa ginawa ni Benjie ay muling sumigla ang kanyang ama.

“Hayaan mo, Sinag na mahalin kita dahil mahal kita talaga. Sinag, ikaw ang sinag ng buhay ko,” sabi ni Benjie.  

“Mahal din kita Benjie, matagal na, hindi iyon nagbabago noon pa,” ganti naman ni Sinag.

Tuluy-tuloy na kaya ang magandang relasyon nina Benjie at Sinag? Pero paano kapag muling nagtagpo ang landas ni Teddy at ng Lolo Vicente ni Benjie na tutol kay Sinag? 

Sa Pelangi kaya malulutas ang mga problema sa pag-iibigan nina Benjie at Sinag?

Napapanood ang Destined To Be Yours pagkatapos ng Encantadia na nasa huling linggo na.