JENNYLYN AT GIL copy copy

Hindi pa namin napapanood ang teaser o trailer ng upcoming teleserye ng GMA-7 na My Love From The Star na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva kaya hindi kami makapag-comment sa sinasabing, “ang chaka-chaka, halatang tinipid.”

Nagkita-kita ang magkakaibigang nagtatrabaho sa produksyon ng ABS-CBN at GMA-7 sa isang restaurant at marami silang napagkuwentuhan tungkol sa kani-kanilang ginagawang shows.

Ang hindi namin malimutan ay ang kuwentong, “Sayang, eh, puwede sanang paglaruan pa ‘yung trailer (My Love From The Star) ‘kaso tinitipid ng GMA, cost-cutting lagi sa shows, kaya hayan, ang chaka-chaka.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Mega-research kami kung sino ang kakilala naming taga-production sa seryeng ito ni Jennylyn at nalaman naming si Bb. Joyce Bernal pala ang direktor, kaya tinext namin kung totoong hindi maganda ang trailer ng show dahil tinitipid ng management.

Pero hanggang sa natapos naming sulatin ang item na ito ay hindi kami sinasagot ng direktora, gayong tuwing may tanong naman kami in the past ay hindi lumilipas ang isang minuto na may sagot agad.

Hmmm, baka naman busy sa tapings o natutulog. O silence means yes? (Reggee Bonoan)