Arestado ang isang barangay kagawad at dalawang iba pa dahil umano sa pagbebenta ng droga sa labas ng isang videoke bar sa Barangay Tambak, New Washington, Aklan, kahapon.

Ayon sa report na tinanggap ng New Washington Municipal Police, kinilala ang mga nadakip na sina Audenes Crispino, 35, kagawad ng Bgy. Ibao, Lezo; Joey Victoriano, 46, kalugar ni Crispino; at Danilo Altar, 33, ng Bgy. Camanci Sur, Numancia, Aklan.

Sinabi ng pulisya na nahuli ang mga suspek makaraang makabili umano rito ng hinihinalang shabu gamit ang P500 marked money.

Isang drug surrenderer at high value target ng pulisya, nakuhanan pa si Crispino ng limang iba pang sachet ng hinihinalang shabu. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog