Inilabas ng isang mahistrado ng Supreme Court ang kanyang libro na labis na bumabatikos sa pag-aangkin ng China sa halos kabuuan ng South China Sea batay sa kasaysayan nito, at sinabing ipakakalat niya ito sa pamamagitan ng Internet upang malagpasan ang censorship ng China at makarating sa mamamayang Chinese.

Sinabi ni SC Justice Antonio Carpio nitong Huwebes na maaari nang mai-download nang libre ang kanyang e-book sa English at susunod na ring mababasa online sa wikang Mandarin, Vietnamese, Japanese, Bahasa at Spanish upang tulungan ang mas maraming tao na maunawaan ang batayan ng paninindigan ng Pilipinas laban sa malawakang pang-aangkin ng China sa mga teritoryo ng ibang bansa.

Sinabi ni Carpio na makatutulong ang opinyon ng publiko, kabilang na sa China, upang igiit sa Beijing na sumunod sa arbitration ruling noong nakaraang taon na nagbabasura sa makasaysayang pang-aangkin ng China batay sa 1982 maritime treaty. Si Carpio ang tumulong sa paghahanda ng arbitration case ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands. (AP)

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?