Malalaman ngayong araw kung lulusot na sa Commission on Appointments (CA) si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez matapos siyang gisahin ng mga senador na miyembro ng makapangyarihang komisyon kahapon.

Nilinaw ni Lopez sa CA na hindi masama ang pagmimina bilang industriya, ngunit kailangang maayos ang mga polisiya kaugnay dito.

“I’m saying that mining as an industry is not bad but…you need to get your acts together and I will help you make a greater economic impact. But as it stands now, it leaves much to be desired,” ani Lopez.

Sinabi rin niya na karamihan ng mahihirap na lugar ay may mga minahan, taliwas sa sinasabi na maayos ang kanilang pamumuhahay.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kapag muling na-bypass ng CA si Lopez, hindi na siya maaaring muling italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Leonel M. Abasola)