NAUNGUSAN ng Colegio de San Lorenzo- V Hotel ang Emilio Aguinaldo College, 72-69, habang nalusutan ng Wang’s Ballclub ang Victoria Sports-MLQU, 76-74, sa dalawang kapana-panabik na laro sa 2017 MBL Open basketball championship sa EAC Sports Center sa Manila.

Ipinarada ng Blue Griffins ang talentadong import na si Chabi Soulmane upang biguin ang Generals sa makapigil-hiningang enkuwentro ng dalawang collegiate teams na kapwa may solidong programa sa sports.

Si Soulmane, ang 6-6 standout mula Benin, Nigeria, ay nagpakita ng lakas sa shaded area upang umiskor ng 19 puntos sa kanyang debut sa kumpetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Dickies Underwear at Gerry’s Grill.

Nakatuwang ni Soulmane ang NCRUCLAA MVP na si Jun Gabriel sa pagbibigay ng matibay na depensa para sa Blue Griffins nina coach Boni Garcia at manager Jimi Lim.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sina Jethro Mendoza at Jeanu Gano ang namuno para sa Generals sa kanilang tig-27 puntos.

Samantala, sumandal ang Wang’s sa malawak na karanasan nina Michael Juico, Mark Montuano at Jeff Tayongtong upang itakas ang ika-dalawa nitong panalo sa tatlong laro.

Si Juico ay umiskor ng 18 puntos, 10 sa first quarter pa lamang.

Sina Montuano at Tayongtong ay nag-ambag ng tig 17 puntos para sa Wang’s nina coach Pablo Lucas at managers Alex Wang at Noel Barraquio.

Nanguna si Patrick Asturiano para sa Rainier Carpio-mentored Stallions sa kanyang 21 puntos.

Iskor:

(Unang laro)

CDSL-V Hotel (72) -- Soulmane 19, Vargas 9, Callano 9, Formento 8, Gabriel 7, Castanaros 5, Alvarado 4, Borja 3, Paclarin 2, Maravilla 2, Rosas 2, Burata 2, Laman 0, Astero 0.

EAC (69) -- Mendoza 14, Gano 13, Tampoc 10, Umali 8, Cadua 7, Robin 5, Diego 4, Ubay 3, Aguas 2, Martin 2, Estacio 1, Altiche 0, Natividad 0, Gonzales 0, General 0.

Quarterscores: 14-20, 38-37, 59-52, 72-69

(Ikalawang laro)

Wang’s Ballclub-Asia Tech (76) -- Juico 18, Montuano 17, Tayongtong 17, Montemayor 12, Publico 6, L.Lucas 3, J.Lucas 3, King 0, Rellores 0, Sabalza 0, Padua 0.

Victoria Sports-MLQU (74 )-- Asturiano 21, Grimaldo 19, Lao 12, Rivera 6, Sumay 5, Dela Cru 5, Decano 4, Acsayan 2, Jamila 0, Fabila 0, Penascosas 0.

Quarterscores: 22-16, 36-34, 61-55, 76-74.