Nadismaya si Senador Panfilo Lacson sa tugon ni Philippine National Police Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa nadiskubreng “secret jail” sa loob ng Manila Police District (MPD)-Station 1 sa Tondo, Maynila, na may 12 bilanggo.
Ayon kay Lacson, naging arogante ang pagsagot ni Dela Rosa nang hingan ito ng reaksiyon sa pagkakadiskubre sa lihim na kulungan.
“Chief PNP Dela Rosa misses the point entirely. Defending policemen for maintaining an unlivable secret prison cell hidden behind a book shelf inside a police station is incomprehensible, it was very arrogant Defending policemen for maintaining an unlivable secret prison cell hidden behind a book shelf inside a police station is incomprehensible,” pahayag ni Lacson.
Inilarawan naman ni Senate minority leader Franklin Drilon bilang “kanto boy” si Dela Rosa nang sabihin nitong ‘tila sinisiraan ng Commission on Human Rights (CHR) ang Pangulo dahil itinaon sa ASEAN Summit ang sorpresang pagbisista.
“Narinig ko po ang mga salita ng ating PNP chief. Nakalulungkot po parang kanto po ‘yung mga salita…parang kanto boy, parang hindi chief PNP. Ang dami na pong nangyayari, walang napaparusahang miyembro ng ating pulis. Itong mga ganitong insidente ay dapat na matigil na,” ani Drilon. - Leonel M. Abasola