Matapos ang hindi produktibong kampanya ng eskwelahan sa Big East Conference, ipinahayag ni Pinoy cage protégée ang desisyon na maghanap ng bagong koponan na mapaglalaruan sa susunod na season.

Kobe Paras
Kobe Paras
Sa kanyang Instagram post, pinasalamatan ng 19-anyos na anak ni PBA legend Benjie Paras, ang kanyang coach at teammate sa Creighton. Naunang nagwitdraw sa UCLA ang two-time slam dunk king sa FIBA under-20.

“You welcomed me into your world, into your thoughts & made me a better person... this is goodbye thank you coaches & Creighton bluejay Fans,” pahayag ni Paras sa Instagram post nitong Linggo.

Hindi masyadong nagamit si Paras sa Bluejays, sa kabila ng nauna niyang pahayag na handa siyang maghintay para mapasama sa rotation.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa ulat ng Omaha World-Herald, plano umanong lumipat ni Paras at hiniling ang pagalis sa kanyang scholarship.

Umabot ang Bluejays sa NCAA Tournament ngayong seson. Sa kabuuang nakalaro si Paras ng 15 laro. Tumapos ang eskelahan na may 25-10 karta.