Nalagutan ng hininga ang isa umanong holdaper matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsasagawa ng follow-up operation sa nangyaring holdapan sa Makati City, nitong Sabado ng madaling araw.

Dead on the spot ang suspek na kinilalang si Jobert Aroa y Dela Pena, 38, ng No. 2981 H. Santos Street, Barangay Carmona, Makati City, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat na nakarating kay Southern Police District (SPD) Director, chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., dakong 3:15 ng madaling araw nangyari ang insidente sa Emilia St., (hangganan ng Pasay-Makati), Bgy. Palanan.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Intelligence Unit, Police Community Precinct (PCP) 2 at Special Response Unit (SRU) sa holdapan sa Bgy. Palanan hanggang sa matunton nila ang suspek sa Emilia St.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Subalit sa halip na sumuko, bigla umanong bumunot ng baril si Aroa at pinaputukan ang mga pulis na hindi nag-atubiling gumanti at tuluyang bumulagta ang suspek.

Nabawi kay Aroa ang bag ng huli niyang biktima at isang kalibre .38 baril. - Bella Gamotea