SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija - Isang 37-anyos na field crop specialist ang sapilitang tinangay ng mga hindi pa nakikilalang armado makaraang pasukin sa kanyang bahay sa Barangay Licaong, Science City of Muñoz sa Nueva Ecija, Biyernes ng madaling-araw.

Batay sa salaysay ng asawa ng biktima na si Marisol Dumale y Vera Cruz, 32, sa pulisya, dakong 5:30 ng umaga nang biglang dumating ang isang itim na Toyota Fortuner at itim na Toyota Innova at pilit na pinalalabas ng bahay si Manny Dumale y Gonzales.

Kaagad umanong pinosasan si Manny at kinaladkad para isakay sa isa sa dalawang sasakyan.

Sinabi pa ng ginang na tinangay ng mga suspek ang cell phone at wallet ng biktima, na hindi pa alam ang dahilan kung bakit dinukot. - Light A. Nolasco

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog