Kinakailangang bumuo ng “multinational task force” na magsasagawa ng naval patrols at tutulong na labanan ang cross-border terrorism at sea piracy sa rehiyon, iminungkahi kahapon ni Pangulong Duterte.

Hinimok ng Pangulo ang mga kapwa niya Southeast Asian leader na suportahan ang kanyang maritime security proposal sa ginaganap na 30th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

“To make it safe again, I would suggest during the summit maybe a multinational task force (to patrol the sea) just like what happened in Somalia,” sinabi ni Duterte sa mga mamamahayag bago makipagpulong kay Indonesian President Joko Widodo sa Malacañang.

International naval efforts laban sa Somali pirates ang tinutukoy ni Pangulong Duterte na nakatulong upang mas maging ligtas ang mga shipping lane.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Iminungkahi ng Pangulo ang regional sea patrols sa pagkakasundo ng Pilipinas at Indonesia na magbukas ng panibagong shipping route upang mas mapabilis ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.

Una nang iminungkahi ni Duterte ang pagpapadala ng karagdagang security escort upang protektahan ang mga barko mula sa mga pirata.

Nagkasundo ang dalawang bansa na buksan ang Davao City-General Santos-Bitung, Indonesia route upang mapabilis ang palitan ng mga kalakal. Pormal na ilulunsad nina Duterte at Widodo ang shipping route sa Davao City ngayong Linggo.

“Pag-usapan namin kasi may pera diyan eh. Piracy or piracy whatever. Ma-ano ‘yang lugar na ‘yan. So if there’s a commercial route there, you have to consider also the security concerns,” sambit ni Duterte.

“So maybe we’ll have to agree to provide escorts in the meantime,” dagdag niya. (Genalyn D. Kabiling)