MEMPHIS (AP) – Hayahay na si LeBron James at tropang Cavaliers. Nagpapahiyang naman sa kasalukuyan si James Harden at ang Rockets.

Naghihintay na lamang ng karibal ang dalawang koponan at tatangkain kapwa ng Toronto Raptos at San Antonio Spurs na tapusin na ang kani-kanilang serye para maisaayos na ang semifinal match-up.

Tangan ng Raptors ang 3-2 bentahe sa pakikipagtuos sa Bucks sa Game 6 sa pagbabalik ng aksiyon sa Milwaukee, habang target ng Spurs na masibak ang Memphis Grizzlies para sa pagkakataon na makalaban ang Houston Rockets sa semifinals.

"They're coming to kill us. They're trying to put us out of our misery," pahayag ni Grizzlies coach David Fizdale.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"If you don't know anything about them, they're killers. So we understand that, but we also have to come out with a mentality to impose our will on the game."

Mahaba ang pahinga ng Cleveland matapos walisin ang karibal na Indiana Pacers. At ito ang bentahe nila sinuman ang makakalaban.

"It's something that is in our minds, going on the road and understanding how they may feel and we've got go out there and really treat it like a Game 7," pahayag ni All-Star guard DeMar DeRozan.

"I hate to keep saying that over and over again, but that is the only way we can treat it because that's how they are going to treat it."

Ngunit, kung mabigo ang Raptors, may tsansa pa ang Milwaukee na magsaya at magdiwang.