Pinagbabayad kahapon ng Supreme Court (SC), tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), si Vice President Leni Robredo ng P8 milyon cash deposit para sa pagpoproseso ng kanyang counter-protest laban kay dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ayon kay SC Spokesperson Theodore Te, pinagkalooban ng SC ng limang araw ang kampo ng Bise Presidente para makapagbayad matapos ibasura ang petisyon ng opisyal na ipagpaliban ito.

Una nang nagbayad si Marcos ng P36.02 milyon bilang installment sa kanyang protesta laban kay Robredo noong Abril 17.

Gagamitin ang naturang halaga sa retrieval ng contested ballot boxes at election documents sa mga contested precinct sa buong bansa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinagbabayad si Marcos ng Korte Suprema ng P36,023,000 para sa unang installment at P30,000,000 sa ikalawang installment.

Habang si Robredo ay pinagbabayad ng P8,000,000 sa unang installment at P7,439,000 sa ikalawang installment.

Ang deadline ng pagbabayad sa ikalawang installment ay sa Hulyo 14. - Beth Camia