Nina MINA NAVARRO at JUN FABON

Plano ng pangunahing grupo ng mga manggagawa na igiit ang dagdag-sahod sa Metro Manila sa susunod na linggo, isang taunang petisyon tuwing Labor Day, pero may igigiit pa sila kay Pangulong Rodrigo Duterte—buwang subsidy sa halagang P500.

Ito, ayon sa Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), ay sa gitna ng tumitinding kahirapan kasabay ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa nakalipas na mga buwan.

“For the first time in the history of the labor that we are asking in one time a cash subsidy from government and a wage increase from employers and capitalists to help workers cope with worsening poverty and rising cost of living,” sabi ni Alan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU-TUCP. “Living conditions of workers who have been helping our economy grow is growing worse. Something is terribly wrong in this equation.”

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Aniya, natanggap na ng Office of the President ang panukala ng ALU-TUCP na P500 na subsidiya, sa paraan ng cash voucher, sa pamamagitan ng Emergency Labor Empowerment at Assistance Program (ELEAP), para sa mga minimum wage earner.

Magagastos ito sa pamamagitan ng Social Security System (SSS) at ng mga accredited trade union at mga regional office ng Department of Labor and Employment (DoLE), batay sa panukala.

Sinabi rin ni Tanjusay na maghahain sila ng petisyon para sa dagdag-sahod sa mga regional wage board sa buong bansa, simula sa National Capital Region (NCR). Sa susunod na linggo, ihahain na ng ALU-TUCP ang petisyon para sa P157 umento para sa mga manggagawa sa Metro Manila.

“The nominal (value of the) P491 daily minimum wage in Metro Manila fell to P361.30 in January 2017 which is equivalent to P8,671.20 a month,” sabi ni Tanjusay, batay sa datos ng National Wages and Productivity Commission (NWPC).

Giit niya, mas mababa ito sa standard na P393 na kinakailangan ng isang maliit na pamilya upang disenteng makapamuhay sa araw-araw, alinsunod sa Poverty Threshold Level noong 2015.