Laro Ngayon (Xavier University gym)
7 n.g. --Shooting Stars Competition
7:30 n.g. -- Gilas vs Mindanao All-Stars
CAGAYAN DE ORO CITY – Masusukat ang kahandaan ng Gilas Pilipinas sa pakikipagsagupa sa Mindanao All-Stars sa pagsisimula ng PBA All-Star Week sa Xavier University gym dito.
Halos isang buwan nang nagsasanay ang Gilas bilang paghahanda sa pagsabak sa SEABA Championship na gaganapin sa Manila sa susunod na buwan.
Matutukoy ang kahinaan ng koponan sa laro ganap na 7:00 ng gabi.
Pangungunahan nina National team veterans June Mar Fajardo ng San Miguel at Terrence Romeo ng Globalport ang Gilas ni coach Chot Reyes.
Nasa line-up din sina Rain or Shine's Mike Tolomia, TNT KaTropa's RR Pogoy, Phoenix's Matthew Wright, Barangay Ginebra San Miguel's Kevin Ferrer, Alaska's Carl Bryan Cruz, NLEX's Fonso Gotladera at Bradwyn Guinto.
Nasa Gilas din si Mahindra's veteran playmaker LA Revilla.
“I'm looking forward to it because that's basically our only tune-up as a team before SEABA,” sambit ni Reyes.
Nakatakda ang SEABA, FIBA Asia Cup qualifier, sa Mayo 12-18 sa Smart Araneta Coliseum.
“We're not going to be able to have any chance, and even then it's not going to be perfect because we're not going to have the complete, full 12-man team playing together.
“But that's better than nothing. We're not going to have a chance to practice or play anymore until SEABA, so I thought it was good to take advantage of that opportunity. I thank the PBA for affording us the chance,” aniya.
Mapapalaban sila sa hometown kid na kinabibilangan ni Jio Jalalon, TNT's Troy Rosario, Carlo Lastimosa ng NLEX, Phoenix's Cyrus Baguio ng Iligan City, Star's Mark Barroca, PJ Simon at Rafi Reavis, Ginebra's Scottie Thompson, TNT's Mo Tautuaa, Alaska's Sonny Thoss at Meralco's Baser Amer. - Jonas Terrado