WALTHAM, Massachusetts (AP) — Tuloy ang laro, anuman ang kaganapan para sa nagdadalamhating si Isaiah Thomas.
Target ng Boston superstar na maitabla ang serye sa pagpalo ng Game 2 ng kanilang Eastern Conference first round playoff kontra sa No.8 seeded Chicago Bulls ngayon sa Boston Garden.
Pumanaw ang nakababatang kapatid na babae ni Thomas sa isang aksidente isang araw bago magsimula ang playoff. Sa kabila nito, ipinamalas ni Thomas ang pagiging ‘pro’ sa naiskor na 33 puntos, ngunit kinapos ang Celtics, 102-106.
Sa harap nang nagbubunying home crowd, inaasahang babawi ang Celtics para makaiwas sa mabigat na 0-2 paghahabol sa serye.
"I think the biggest thing is they really care about each other," pahayag ni coach Brad Stevens.
“It's really tough when he's sitting there and some of his family is back in Seattle. ... But I think the next extension of your family is who you're around every day, and your team. ... They care about one another and they support one another. That's what you hope you have in a team, but it's probably not always the case."
Kinumpirma ni Stevens na lalaro si Thomas sa Game 2 Martes ng gabi (Miyerkules sa Manila) bago ito tumulak patungo sa Washington para makasama ang pamilya sa pagluluksa.
Ayon kay Stevens, dadalo ang buong koponan sa libing para suportahan si Thomas.
Ngunit, para kay Boston guard Avery Bradley – kababata at malapit na kaibigan ni Thomas – mas mapapagaan ang damdamin ng kaibigan kung magpapakatatag ang Celtics at tulungan si Thomas na maipanalo ang serye.
"I feel like it's better to show with your actions than your words, especially after a loss," aniya.