Untitled-1 copy

Mga laro ngayon

Araneta Coliseum

4:30 p.m. Blackwater vs. Meralco

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

6:45 p.m. San Miguel Beer vs. Star

Itataya ng SMB kontra Star ngayong gabi.

Itataya ng reigning Philippine Cup titlist San Miguel Beer ang hawak na malinis na marka sa pagsagupa nito sa sister na team Star ngayong gabi sa pagbabalik ng aksiyon sa 2017 PBA Commisioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Nakakadalawa pa lamang laro ngayong second conference, ang Beermen na lamang ang nag-iisang koponan na wala pang talo.

Magtutuos sila ng Hotshots na kasalukuyan namang nasa 3-way tie kasalo ng Talk ‘N Text at Alaska na may 4-1, panalo-talong baraha, ganap na 6:45 ng gabi.

Mauuna rito, magtatapat ang Blackwater at ang Meralco ganap na 4:30 ng hapon.

Tatangkain ng Beermen na maipagpatuloy ang kanilang pinakamagandang panimula sa isang import laden conference.

“I think this is our best start. If you can still remember, lagi kami nagsa-struggle to start the last two years. So far, we are happy with the results. Despite na sluggish kami sa simula, nakaka-recover kami,”ani Austria.”Sana ma-maintain namin.”

Gaya ng nauna nilang dalawang panalo, sasandigan ng Beermen para sila pamunuan ang kanilang import na si Charles Rhodes at ang reigning MVP na si Junemar Fajardo.

Galing naman sa kabiguan sa kamay ng Barangay Ginebra sa pinakahuling edisyon ng Manila Classico, 98-113, tatangkaing makabawi ng Hotshots at makabalik sa winning track.

Umaasa si coach Chito Victolero na natuto ng kanilang leksiyon ang kanyang mga players partikular ang import nilang si Tony Mitchell na sa unang pagkakataon ay naging bahagi ng Manila Classico.

“Yun lang naman hinihingi namin sa mga players, matuto kami lahat para at least pagdating ng important games, makuha namin,”anang itinalagang coach ng Mindanao PBA All-Star.

“We learned a lot from this game. This is an elimination game. One loss but it’s a long way to go. We need to refocus again, stay together. Marami pang parating. “ dagdag nito.

Sa unang laban, kababalik pa lamang sa win column pagkaraang matalo sa Beermen matapos pabagsakin ang Aces, haharapin ng Bolts na kasalukuyang nangingibabaw taglay ang markang 5-1 (panalo-talo) ang Elite na magsisikap na dugtungan ang nalasap na unang tagumpay kontra NLEX matapos mabigo sa unang apat nilang laban.

“After 4 heartbreaking losses we were able to hold our own.Hopefully we can continue on with this, hopefully it could boost our morale,” pahayag ni Blackwater coach Leo Isaac. (marivic awitan)