NAGBAKASYON sa Italy sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, pero bago umalis, naging busy muna si Heart sa maraming commitments kabilang ang bago niyang show na Follow Your Heart.

Sa initial poster ng show, makikita si Heart na may kargang baby habang may isa pang bata na nakayakap sa kanyang binti. Sa isang kamay, bitbit naman ni Heart ang isang bag na punumpuno ng mga abubot.

Sa napanood naming clip ng Follow Your Heart, ipinapakita ang ilang real at reel celebrity couples na gumagawa ng challenges on top of being parents for day. Hindi rin exempted si Heart sa paggawa ng challenges kahit siya ang host ng show kaya gagawin din niya ang challenges.

Bukod sa Follow Your Heart, nasa cast din ng Mulawin vs. Ravena si Heart sa role ni Alwina. Siya ang ina ni Almiro na gagampapan ni Derrick Monasterio at balo ni Aguiluz.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

This April na raw ang pilot ng Follow Your Heart at sa May naman ang grand premiere ng Mulawin vs. Ravena.

(Nitz Miralles)